Monthly Archives: | August, 2015

23 08 2015

Balikbayan boxes, dapat bang buksan at patawan ng buwis?

I will be co-hosting my good friend DJ Miles’ Serbisyo Publiko program for the second hour: 2:00-3:00 pm Japan standard time, 7:00-8:00 am in Europe and 1:00-2:00 pm in Manila. This is a simulcast broadcast LIVE from California, USA and Belgium.

Today’s topic: Balikbayan Boxes ng mga OFWs, dapat bang patawan ng buwis at kailangan bang buksan ng Bureau of Customs???

www.raydiofilipino.com

20 08 2015

Taxes on Balikbayan boxes

Sobrang nabulabog ang mga OFWs dito sa Europa at maging sa America at iba pang bahagi ng daigdig sa balitang papatawan na ng karampatang buwis ng Bureau of Customs ang mga Balikbayan boxes. Bakit pagbabawian ang mga maliliit na manggagawang Pilipino sa abroad na tanging kaligayahan nila ay makapagpadala ng mga regalo para sa mahal nila sa buhay sa Pilipinas? Alam ba ni Commissioner Alberto Lina kung gaano pinaghihirapang ipunin ng mga tinaguriang bagong bayani ng ating bayan ang laman ng bawat kahon hanggang sa mapuno ito? Alam ba niya kung anong sakripisyo ang dinaranas ng mga OFWs na ito, makapagpadala lamang sa mga mahal na magulang, anak at mga kapatid ng mga simpleng bagay na lubhang makapagpapasaya sa kanila? Ngayon ay pagbubuwisan na ang bawat balikbayan boxes na ito? Napakalupit naman yata ng aksyong ito. Bakit di niya pagbawiang kunan ng buwis ang mga smugglers ng imported cars at iba pang luxury items? Bakit ang mga simpleng OFWs ang nakita niyang pagbawian ngayon?