30 01 2015

Nasaan ang Pangulo?

Buong sambayanan at kaming mga Pilipino sa ibayong dagat ay lumuha at umiyak habang pinapanood namin kahapon ang pagsalubong sa mga kabaong ng 44 na mga napatay na Special Action Force commando na nakipaglaban sa mga rebeldeng Moro sa Mamasapano town, Maguindanao province. Lubos po kaming nakikiramay sa mga naiwan at naulilang pamilya. Napakaraming katanugan ang nais nilang mabigyan ng kasagutan subalit ang unang-unang tanong nila ay – “Bakit wala siya sa Villamor Air Base? Nasaan ang ama ng bayan sa panahon ng aming pagluluksa? Nasaan ang Pangulo?”

Ngayon po ay National Day of Mourning sa Pilipinas. Nakikiramay po kami mula sa Europa.

About The Author

Arlene Andes

Public & Press Relations Officer / Journalist / Radio & TV Personality Belgium